I wrote this poem in 2014 because of a guy friend I, apparently, liked. We share similar interests. He’s crazy (just like me) and very smart. I never said it to him and I don’t regret it because later it became clear to me that he will never regard me the way I would like him to. He has a ‘different’ preference, it turns out. We’re still friends though and that’s a good thing. Now, I find the poem so cheesy and it had me laughing at myself. Ain’t it funny how at times we think the world is already falling apart just because of unrequited love?
Lumuluha ka na naman
Puso mo, di na ba matuturuan?
Kay hilig umasa sa wala naman
Yan tuloy, ika’y nasaktan lang
Ilang beses na bang nangyari to?
Bakit ba ang tigas ng ulo?
Maraming nagmamahal sa ‘yo
Di nga lang sa paraang gusto mo
Itigil na ang kahibangan
Wala yan patutunguhan
Buhay mo ay may dahilan
Kelan mo maiintindihan?
Matutong bumangon, tumayo
Wag na wag kang pagagapo
Darating din ang hinahanap mo
Baka bukas o sa isang linggo
Pwede ba, tama na, kaibigan
Gawin na ang kailangan
Di mo man sya matagpuan,
Buuin pa din ang sarili at husayan
Dahil iisa lang ang buhay mo
Bigyang kahulugan ito
Alang alang sa lumikha sa yo
Sya’ng tunay na nagmamahal sa yo..
*bows*